Photo courtesy | Ferds Cuario

Tinupok ng apoy ang isang bahay sa Gabuco Road, Puloy Area, Barangay Bagong Sikat sa Lungsod ng Puerto Princesa nitong hapon ng Lunes, Marso 10.

Ayon sa mga residente, nagsimula ang apoy bandang 2:30 ng hapon na agad namang naapula dahil sa pagtutulungan ng mga residente sa lugar.

Dumating din sa lugar ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at idineklarang fire out ang sunog makalipas lamang ang ilang minuto.

Author