PHOTO || PUERTO PRINCESA SUBTERRANEAN RIVER NATIONAL PARK & WORLD HERITAGE SITE

Ni Ven Marck Botin

Isasagawa ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Puerto Princesa sa darating na Sabado, ika-29 ng Hulyo, ang Balayong Tree Planting & Nurturing Festival 2023 sa People’s Park at Rotonda.

Inaanyayahan ng pamunuan ng Puerto Princesa Subterranean River National Park & World Heritage Site ang mga mamamayan ng lungsod na dumalo sa nasabing kaganapan.

“Join us bright and early at 5:00 AM in the heart of [the] city’s oasis paradise,” saad ng pamunuan.

“It’s time to unleash our inner eco-warriors!”
“Let’s make it a day to remember as we unite for a greener and more vibrant future. Spread the word, bring your friends, and let’s create unforgettable memories together!”

Panawagan ng pamunuan, sama-samang magtanim at gawing makulay ang kinabukasan.