PHOTO || PHILIPPINE COAST GUARD

Ni Ven Marck Botin

NATAGPUAN na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang aluminum boat na ginamit ng apat (4) na mga nawawalang Coast Guard personnel na magsasagawa sana ng pagsagip sa pitong (7) tauhan ng MTug Iroquis sa kalagitnaan ng laot sa bayan ng Aparri, noong kasagsagan ng #BagyongEgayPH.

Batay sa ulat ng PCG, nitong araw ng Linggo, ika-30 ng Hulyo 2023, natagpuan sa katubigang sakop ng Barangay Fuga, sa nabanggit na bayan, lalawigan ng Cagayan, ang nabanggit na bangka ng ahensya.

Sa ulat naman ng Coast Guard District Northeastern Luzon, “namataan ito ng MV Eagle Ferry habang naglalagayag sa katubigang sakop ng Calayan Island”.

Pagbabahagi ng kapitan, “nakita nila itong palutang-lutang pitong milya mula sa naturang isla”.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang malawakang aerial at surface search and rescue (SAR) operations para mahanap ang apat na PCG rescuers na naiulat na nawawala noong ika-26 ng Hulyo 2023.