PHOTO//DINNAH MAGAY BERNARDO

Repetek News

Team

PINAGHANDAAN ng mga Pamahalaang Lokal ang pagdiriwang ng pagkakatatag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamamagitan ng selebrasyon ng Baragatan na may pagpapanatili ng kultura at mga paniniwala sa lalawigan.

Dinadala rin nila ang kanilang mga produkto sa Kapitolyo upang maipakilala sa mga mamimili ang yaman ng kanilang lugar, pati na ang pagkakataon na kumita mula dito.

Kasabay ng pagdiriwang na ito ay layon din na makatulong sa turismo ng lalawigan ang Baragatan upang ito ay lalong makilala ng iba pang bansa katulad na lamang ng pagkilala sa mga festival sa ibang lalawigan sa Pilipinas na dinarayo ng mga lokal at banyagang turista.

Sa kabuuan, ang pagdiriwang ay nakatuon sa promosyon ng lalawigan, mga produkto nito, industriya ng turismo, pati na ang pagbebenta ng mga lupa na lubhang kaakit-akit para sa mga taga ibang siyudad, pati na ang paghikayat sa mamumuhunan na suportahan ang Palawan.