Photo courtesy | DSWD 4B
PUERTO PRINCESA CITY — Sumailala sa Camp Coordination, Camp Management Training (CCCM) ang mga Barangay frontliners mula sa bayan ng Boac, lalawigan ng Marinduque, nitong nakalipas na ika-7 hanggang ika-10 ng Nobyembre.
Layunin ng pagsasanay na mabigyan at mapaunlad ang kaalaman ng mga partisipante ukol sa CCCM; mapalakas ang pagpapaplano at pagiging handa lalo na sa oras ng kalamidad.
Dinaluhan ito ng mga frontliners na kinabibilangan ng Child Development Workers (CDWs), Barangay Nutrition Scholars (BNS), Barangay Health Workers (BHWs), KALIPI Members (isang organisasyon para sa mga Solo Parent), at ilang kagawad at Kapitan mula sa bayan ng Boac.
Naging matagumpay ang nasabing pagsasanay dahil na rin sa pangunguna at pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA at Boac Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Ang mga naging tagapagsalita ay mula sa SWADT Marinduque Disaster Risk Reduction Management (DRMD) staff at mula sa Marinduque Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDDRMO) na nagbahagi ng kanilang kaalaman at kakayahan sa Disaster Response and Management.