Photo courtesy | PSWDO

Ikinasa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang Basic Computer Literacy Training na kung sumailalim sa nasabing training ang apatnapu’t limang (45) Child Development Workers sa Palawan.

Ang pagsasanay ay ginanap sa AKC Country Homes sa lungsod ng Puerto Princesa nitong Nobyembre 5 hanggang ika-6 ng buwan, taong kasalukuyan.

Ang layunin ng nasabing training ay upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa paggamit ng makabagong teknolohiya ang mga Child Development Workers sa lalawigan.

Ibinahagi naman ni Roger Bagona, pangunahing tagapagsalita mula sa TESDA Palawan, ang kaniyang kaalaman at tips sa paggamit ng MS Word, Excel, PowerPoint, Canva, at ang paggawa ng email account.

Author