PUERTO PRINCESA — Kasalukuyang kinukumpuni ang Batang-Batang River Irrigation System (RIS) na nasira ng kamakailang malakas na pag-ulan na naging sanhi ng pagguho at pagbagsak ng istruktura kung saan lubhang nakakaapekto sa suplay ng tubig sa mga lupang sakahan sa Barangay Princess Urduja, bayan ng Narra, Palawan.
Bilang tugon, pinaigting ng mga opisyal ng National Irrigation Administration (NIA) ang mga tauhan nito upang agad na makumpuni ang irigasyon upang ayusin ang mga baradong kanal.
Tumulong naman ang mga residente sa lugar pagdating sa pag-aayos ng mga nasirang kanal para sa mabilisang pagsasaayos ng irigasyon.
Matatandaan, isa ang bayan ng Narra sa lubhang naapektuhan ng pagbaha dulot ng malawakang pag-ulan dala ng shear line at Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) kamakailan kung saan maraming apektado bunsod nito.