Photo Courtesy | Anna Doncina Capa
PUERTO PRINCESA CITY — Humihingi ng tulong pinansiyal ang kaanak ng batang binawian ng buhay makaraang masalabay habang naliligo ito sa dalampasigan ng Brgy. Tigman sa bayan Aborlan, Palawan, nitong Biyernes nang umaga, Mayo 17, 2024.
Sa Facebook post, malungkot na ibinalita ni Anna Doncina Capa na pumanaw ang kaniyang nakababatang kapatid sanhi ng ‘jellyfish sting’ na makikita sa kanang braso at mukha ng biktima.
Sa parehong online post din, humihingi ng tulong pinansiyal ang nakatatandang kapatid ng biktimang si Bryle Capa.
“[Magandang araw po sa inyo, mga kakilala, kaibigan, kamag-anak! Ako po si Anna Rose, ate ni Bryle, ‘yong batang nasalabay sa Tigman, Aborlan.
Ako po ay lumalapit sa inyo, sa mga nakakaluwag-luwag. Kakapalan ko na po pagmumukha ko. Sobrang kulang na kulang po kami financially at kasalukuyan din po kasing naka-confine ang bunso kong kapatid sa Ospital ng Palawan. Nakasemento po hita niya hanggang bewang habang ang isa ko naman pong kapatid na si Bryle ay sumakabilang-buhay rin.
Kumakatok po ako sa inyong puso, maliit man na halaga ay malaking tulong na po iyon sa aking pamilya. Salamat po.
Maaaring magpadala ng tulong pinansiya sa Gcash Account ni Anna Rose Capa sa mga numerong +63948 869 1934 at +63930 961 1135.
Photo: Anna Doncina Capa