Photo courtesy | Mayor Elizabeth Cervantes
PUERTO PRINCESA CITY — Ipinagkaloob sa bayan ng Busuanga, Palawan, ang isang Patient Transport Vehicle (PTV) mula sa pamunuan ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) na layong makatulong sa mabilisang pagdadala ng mga pasyente sa malapit na pagamutan gaya ng Rural Health Unit (RHU).
Ang nasabing vehicle ay isang unit ng Brand new Toyota Hi Ace Commuter De Luxe na mayroon nang kumpletong kagamitang medikal.
Ito ay magagamit sa panahon ng emerhensiya partikular sa paglilipat ng mga pasyente at pagbibigay ng agaran o paunang medikasyon sa mga pasyenteng magiging lulan nito na pangunahing tungkulin na ginagampanan ng ambulansya na may garantiyang maihahatid agad ang mga pasyente sa lalong madaling panahon.
Samantala, nagpapasalamat naman sa pamunuan ng PCSO ang lokal na pamahalaan ng Busuanga sa agarang pagtugon sa kanilang kahilingan.