PUERTO PRINCESA CITY — Sa buong rehiyon ng MIMAROPA, itinanghal na second runner up sa 1st hanggang 3rd Class Municipality Category ang Barangay Taratien sa Narra, Palawan, sa Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA).

Ang LTIA ay isang taunang programa ng parangal na itinatag sa bisa ng Seksyon 406 (b) ng Local Government Code ng 1991, Executive Order No. 394 s. 1997 at pinalawig ng Department of Interior and Local Government (DILG) Memorandum Circular No. 2023-022.

Layunin nito na palakasin ang
Katarungang Pambarangay (KP), isang katutubong pamamaraan ng paglutas ng mga problema sa komunidad, magbigay ng mga benepisyong pang-ekonomiya at iba pang insentibo sa mga Lupon na nagpapakita ng natatanging pagganap at bumuo ng mas malawak na kamalayan at suporta mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan tungkol sa KP upang magkaroon ng kaayusan ng lipunan.

Ang mga hinirang na “Natatanging Lupon sa Rehiyon”ang kakatawan sa MIMAROPA sa pambansang pagsusuri ng LTIA ngayong taon.