PUERTO PRINCESA CITY — Pormal nang ideneklarang Drug free municipality ang nabanggit na bayan, ayon sa mosyon na inihain ni Police Lieutenant Colonel Emerson A. Tarac na sinuportahan naman ni Atty. Petrovuch B. Tamag.
Batay sa information office ng bayan ng Narra, ang deklarasyon ay epektibo simula nitong nakalipas na araw ng Biyernes, Hulyo 19.
Naisakatuparan ang pagiging drug free ng bayan dahil sa inisyatibo at pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng lokal pamahalaan sa pamumuno ni Municipal Mayor Gerandy B. Danao.
Ayon kay G. Sherwin Corpuz, Focal Person ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), ang nasabing bayan ang pinakaunang munisipyo sa lalawigan ng Palawan na ideneklarang Drug Cleared Municipality na tumatalima sa lahat ng mga parameter na itinakda sa ilalim ng Board Regulation No. 4 na serye ng 2021.
Ang MADAC, nilikha ng isang multi-sector council na binubuo ng mga lokal na opisyal at kinatawan ng iba’t ibang mga organisasyong pangkomunidad na inatasang manguna sa pagpaplano at pagpapatupad, at pagsubaybay sa lahat ng lokal na programa, proyekto at aktibidad laban sa pang-aabuso sa droga sa mga munisipyo at siyudad.