PUERTO PRINCESA CITY —Naglunsad ng bagong online platform na tinawag na BDO Online ang Banco De Oro (BDO) Unibank na naglalayong magbigay sa mga kostumer nito ng ligtas at maginhawang karanasan pagdating sa digital banking.
Pangunahing tampok sa bagong plataporma ang proteksyon pagdating sa pag-log in na pinalalakas gamit ang SMS One-Time Password (OTP) o push confirmation sa pamamagitan ng BDO Online app.
Binawasan din ang InstaPay fee ng 10-pesos at libre na ang BDO-to-BDO fund transfers.
Kaugnay rito, maaari na ring i-lock o i-unlock ng mga customer ang kanilang mga card at maglagay ng mga limitasyon sa pang-araw-araw nilang transaksyon para sa karagdagang seguridad at kontrol.
Ayon sa bangko, ang bagong website na BDO Online ay idinisenyo upang umakma sa umiiral na digital banking ecosystem ng BDO gaya ng mobile app na ngayo’y makikita na sa www.onlinebanking.bdo.com.ph.
Maaari ring mag-log in ang mga customer sa kanilang online banking anumang oras.
Ginawang mas mahirap ang karagdagang seguridad para higpitan ang mga hindi awtorisadong indibidwal na mag-access ng mga account kahit pa nakuha na nila ang mga kredensyal ng user sa pag-log in.
Pinapahusay ng bagong platform ng BDO Online ang seguridad sa pamamagitan ng pagpapatupad ng two-factor authentication para sa pag-login.
Nangangahulugan ito na kailangan na ngayon ng mga user na ibigay hindi lamang ang kanilang username at password kundi pati na rin ang One-Time Password (OTP) na ipinadala sa kanilang mobile phone sa pamamagitan ng SMS o isang push notification mula sa BDO Online app.