PALAWAN, Philippines — Nasa “City of the Living God” ang Canadian Vlogger na si Kyle Jennerman o mas kilalang Kulas ng “Becoming Filipino”, batay sa Facebook vlogs nito.
Kahapon, namataan si Kulas ng kaniyang tagasubaybay sa bahaging West Coast ng lungsod Puerto Princesa partikular sa Bgy. Napsan na masayang nag-iikot kasama ang ka-partner nito.
Habang kagabi naman ay masayang nag-ikot-ikot sa Puerto Princesa Baywalk ang Canadian vlogger at in-enjoy ang mga sariwa’t masasarap na pagkain sa lugar.
“Loved the vibes and food of Puerto Princesa Baywalk,” paunang saad ng Canadian vlogger sa kanilang Facebook post.
Pagbabahagi pa ni Jennerman na mainam ang ‘atmosphere’ ng lungsod at malawak ang lugar na maganda para sa gawaing cycling, paglalakad-lakad o kaya’y ‘chilling with friends’.
“Arriving at the port to this kinda of atmosphere nearby was such a treat! The area is wide open and encourages cycling, walking, or simply chilling with friends. There are many restaurants and cafe’s to choose from.
We decided to score this fresh talakitok at Isha’s Sutukil. The head turned into tinola, and the body into sugba…. we almost completed the “Sutukil combo”, reffering to “sugba”, “tuwa”, and “kilaw”. Thing is, the vegetable dishes looked great on the menu… and we were not disappointed. Great food, great value, and great vibes!
I think strolling and eating here is a must if you are visiting the city. I loved just walking around looking at life… and the cool multicabs,” wika ni Jennerman.