Photo: REPETEK TEAM

PINANGUNAHAN ni BGen Erick Q. Escarcha, Philippine Air Force (PAF) Wing Commander, Tactical Operations Wing West (TOW WEST) ang pagbubukas ng PAF mall exhibit kahapon, araw ng Sabado, Mayo 11.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-77 taong anibersaryo ng PAF.

Aniya, sa pamamagitan ng exhibit na ito nabigyan ng opurtunidad ang kanilang hanay na ipakilala ang PAF at TOW WEST gayundin ang kanilang mahalagang gampanin sa lalawigan at adbokasiya para sa West Philippine Sea (WPS).

Dagdag pa rito ang kanilang commitment sa pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayang Pilipino.

Makikita sa exhibit ang iba’t ibang scale model aircraft displays, digital combat flight simulator, mga armas at kagamitan sa search and rescue operations.

“As we showcase various booths featuring different aspects of our operations. It is important to know that this exhibit are not just equipment and technology they’re about the dedicated men and women who make it all possible.

As we celebrate the 77th founding anniversary of the Philippine Air Force let us all take this oppurtunity to reflect on our rich history and reaffirmed our commitment to serving the Filipino people with excellence and integrity,” ang bahagi ng mensahe ng opisyal.

Sa hiwalay na panayam kay BGen Escarcha, binigyang diin nito na layunin rin ng aktibidad na ipakita ang kapasidad at kahandaan ng Philippine Air Force sa anumang banta sa kapaligiran.

“Handa ang Armed Forces na tugunan kung anumang threats lalo na ngayon parating na naman ang panahon ng kalamidad. Patuloy tayong naghahanda at pinapakita natin sa ating mga kababayan na may kahandaan yung ating Hukbong Himpapawid at Armed Forces of the Philippines,” ang tinuran ng opisyal nang kapanayamin ng midya.

Aniya pa, maliban sa exhibit, magkakaroon rin ng blood letting activity, tree planting nationwide at symposium bilang bahagi pa rin ng programa.

Ang mall exhibit ay magtatapos ngayong araw ng Linggo, Mayo 12.

Sa huli, nagpasalamat ito sa tiwala at walang sawang suporta ng mga Palawenyo sa Philippine Air Force.

“This event serves as a platform for us to express our gratitude to the people of Palawan for their unwavering support and partnership with the Philippine Air Force.

It is through their cooperation and collaboration that we are able to fulfill our mission. We will continue to uphold highest standards of excellence and honor in everything we do.”