PHOTO | COAST GUARD SEA MARSHAL FORCE

Ni Ven Marck Botin

NAISALBA ng on-duty sea marshals ang tatlong (3) diumano’y mga biktima ng human trafficking sa lalawigan ng Tawi-Tawi nitong nakaraang araw ng Biyernes, ika-18 ng Agosto 2023.

Batay sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), lulan ng M/V Everqueen of Asia ang biktima at mga tauhan ng Coast Guard Sea Marshal Unit ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kung saan napag-alaman ng on-duty sea marshals na diumano’y Trafficking in Person (TIP) ang tatlong pasahero kaya’t nagsagawa ng inspeksiyon ang mga awtoridad.

Agarang ipinagbigay-alam ng on-board sea marshals sa Coast Guard Station Central Tawi-Tawi at nakipagkoordina sa Municipal Inter-Agency Committee Against Trafficking o MIACAT at Philippine National Police (PNP) Maritime Group na nakatalaga sa Bongao para sa karagdagang pagberipika at profiling s amga biktima.

Samantala, sa kaparehong petsa, naisalba rin ang isang 18-taong gulang na babae mula Kalagasan Village, Calarian, Zamboanga City, na napag-alamang TIP victim.

Ayon pa rito, ang dalaga ay nadiskubreng dadaan sa backdoor route para makapasok sa bansang Malaysia nang makapagtrabaho kahit walang kaukulang dokumento.

Sa ngayon, ang mga biktima ay maayos na ipinasa sa tanggapan ng MIACAT Tawi-Tawi at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) para sa counselling at stress briefing.