Photo courtesy | Google

Ni Marie Fulgarinas

Kamakailan, kinumpirma ni Incumbent Vice Governor Leoncio “Onsoy” N. Ola na tatakbo siyang gobernador ng Palawan sa darating na Halalan 2025 kung saan makakaharap nito ang dating katambal na si Governor Victorino Dennis M. Socrates.

Sa panayam ng lokal midya ng kay Ola, magiging running mate nito ang bilyonaryong si Michael Odylon Lagman Romero o mas kilalang “Mikee Romero” na kasalukuyang Congressman sa ilalim ng 1-Pacman partylist.

Ayon sa source ng

Repetek News

, rehistrado na sa bayan ng San Vicente, Palawan, si Romero nitong pagbukas ng voter’s registration sa bansa ngayon taon.

Kaugnay rito, si Romero ay isang businessman at Polo player. Siya rin ay Chairman at Pangulo ng Globalport 900 Inc. at may-ari ng isang basketball team sa Philippine Basketball Association (PBA) na NorthPort Batang Pier team.

Nitong taong 2018, isinapubliko ni Romero ang kaniyang net worth na ₱7.8 Billion na kung saan siya ang pinakamayamang Congressman at kasama sa Top 50 Richest Persons sa Pilipinas. Maliban dito, Board Member din si Romero ng AirAsia Philippines.

Samantala, kinumpirma rin ng Bise Gobernador na kumpleto na rin ang kaniyang line up sa darating na Midterm Elections.

Author