Photo courtesy | Philippine Sports Commission

ABANGAN: Apat (4) na araw na lang bago ganapin ang 11th BIMP-EAGA Friendship Games sa lungsod ng Puerto Princesa na magsisimula sa Disyembre 1 hanggang Disyembre 5, taong kasalukuyan.

Ang Brunei Darussalam–Indonesia–Malaysia–Philippines East ASEAN Growth Area o BIMP-EAGA ay itinatag noong 1994 upang paunlarin ang mga remote areas ng apat na bansa sa Timog-Silangang Asya at itaguyod ang turismo sa nasabing rehiyon.

Ang kauna-unahang edisyon ng BIMP-EAGA Friendship Games ay ginanap sa General Santos, Mindanao, noong Abril 1996, sumunod noong 2003 sa Puerto Princesa, at muling bumalik sa Gensan noong 2012.

Ito na ang ikalawang beses na maging hosting city ng BIMP-EAGA Friendship Games ang Lungsod ng Puerto Princesa.

Author