Arestado ang 20-anyos na binata sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Police Station 3, CIT-Palawan, RID MIMAROPA, at 401st B MC RMFB sa Purok Kapalaran, Barangay Luzviminda sa lungsod ng Puerto Princesa bandang 12:00 ng tanghali nitong Hulyo 9, 2025.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Criminal Case No. 44787 na may petsang Hulyo 7, 2025, na pirmado ni Judge Arlene B. Guillen, Presiding Judge ng Family Court, Branch 13, Fourth Judicial Region.
Ayon sa ulat, nahaharap sa kasong paglabag sa Article 336 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa Section 5(b) ng Republic Act 7610, na inamyendahan ng RA 11648.
Kabuuang P108,000.00 ang inirekomendang piyansa na kailangang bayaran ng akusado para sa kaniyang pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang kaso nito.
Matapos basahan ng Miranda Rights at Anti-Torture Act, ang suspek ay pansamantala munang ikinustodiya ng Police Station 3 para sa dokumentasyon at iba lang legal na proseso.
Kaugnay rito, residente ng Purok Zigzag 1, Barangay Luzviminda sa nabanggit na lungsod ang nasabing suspek.