EL NIDO, Philippines — BINAWIAN NG BUHAY ang isang 17-anyos na lalaki na kinilalang si alyas “Jemar”, residente ng Brgy. Pinaglabanan sa bayan ng Quezon, Palawan, matapos batuhin umano sa ulo nitong nakalipas na Biyernes, Pebrero 14.
Ayon sa pulisya, dumalo sa wedding reception ang biktima subalit nagkaroon ng gulo sa mismong pagdiriwang. Nanonood lamang umano ang biktima ng mobile game nang biglang tinamaan ng bato sa ulo.
Agaran namang isinugod sa pagamutan ang binata ngunit dineklarang dead on arrival. Palaisipan naman sa mga awtoridad ang suspek sa krimen.