Photo courtesy | City ENRO Puerto Princesa

Ni Marie F. Fulgarinas

PALAWAN, Philippines — Wagi ang grupong Bird Finder sa katatapos lang na Puerto Princesa Underground River (PPUR) 6th International Bird Photography Race na isinagawa nitong nakalipas na ika-3 hanggang ika-5 ng Nobyembre.

Ang grupong Bird Finder ay binubuo nina Erickson Tabayag, Don Geoff Tabaranza, at Christian Benavidez kung saan nasungkit ng mga ito ang grand prize na tumataginting na Php80,000.00, sertipiko, at tropeo. Itinanghal na ika-unang puwesto na may kalakip na cash prize na Php50,000.00 ang grupong The Toolshed na binubuo nina Christopher Ferrer, Mark Anthony Carranza, at Gideon Ferrer; ikalawa naman ang grupong Hongkong Sparrows na kinabibilangan nina Long Hei Matthew, Chiu Lam, at Kei Ching Wong kung saa’y umuwi rin ng tumataginting na Php40,000.00; ikatlo ang grupong Happy Bird Friends na binubuo nina Guanxiao Wu, Fenyi Wang, at Zhang Shoumei; at ika-apat naman na puwesto sina Rolando dela Cruz, Marlon Lapuz, at Jerome Rey Simon ng DPC Birders.

Samantala, champion naman para sa Lady Team Category ang grupong Ibong Adarna na binubuo nina Angelyn Ynigez, Aimee Valencia, at Caroline Silva, na sinusundan ng Team C na sina Ernestina Jacinto, Liza Del Rosario, at Ma. Josefina Cavizo; Second Runner Up naman ang Team D na kinabibilangan nina Fenyi Wang, Ginalyn Dionco, at Sia Ping Tay; Best Team Uniform naman ang Realtree Birders na binubuo nina Jose Brillo, Pedrito Ensomo, at Raniel Jose Castaneda.

Itinanghal naman ang ilang kuhang larawan bilang Best Bird Action Photo at Wins Paler Special Award for Best Palawan Endemic Photo ng mga piling indibidwal kung saan tampok ang iba’t ibang uri ng endemikong ibon ng lalawigan partikular ng lungsod ng Puerto Princesa.

Maliban dito, Birdman at Birdwoman of the year naman sina Ginoong Don Geoff Tabaranza at Fengyi Wang.

Author