Photo courtesy | CBCP
PUERTO PRINCESA CITY – Nananawagan si Bishop Broderick Pabillo ng Apostolic Vicariate ng Taytay, Palawan, na tanggihan ang isang signature campaign o People’s initiative kaugnay sa Charter Change na magrerepaso sa 1987 Philippine Constitution.
Sa ulat na inilabas ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP), inapelahan ng obispo na aniya ay mga kalinyang aligasyon hinggil sa nagaganap na bayaran kapalit ng paglagda sa nabanggit na kampanya.
“Sabihin sa mga tao na huwag pumirma! This is not an initiative of the people but of some politicians,” ani Pabillo sa kanyang inilabas na pahayag nitong nakaraang Huwebes, Enero 12.
Si Pabillo ang unang obispo na hayagang nagsalita laban sa kasalukuyang mga pagtatangka na amyendahan ang Saligang Batas ng Pilipinas.
Nagbabala rin ang obispo laban sa gumagamit ng agarang panawagan para sa isang barangay assembly upang itulak ang reporma sa konstitusyon.
Noong nakaraan, paulit-ulit na binigyang-diin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ang anumang hakbang para sa Charter change ay dapat para sa ikabubuti ng mamamayan at ng bansa.”
Matagal na rin umanong gusto ng mga obispo ang paggamit ng isang constitutional convention kaysa sa iba pang mga pamamaraan gaya ng Kongreso na kumikilos bilang constituent assembly.
Sa kabilang banda, iginiit ng mga tagapagtaguyod ng ChaCha sa Kapulungan ng mga Kinatawan na ang mga pagbabago ay tututuon lamang sa mga probisyong pang-ekonomiya ng Konstitusyon na naghihigpit sa pagdaloy ng dayuhang kapital sa bansa.
Ang pagbabago ng charter ay maaaring gawin sa pamamagitan ng Kongreso, isang constitutional convention o sa pamamagitan ng people’s initiative, isang petisyon na hindi bababa sa 12% ng kabuuang bilang ng mga rehistradong botante.
Ang bawat distritong pambatas ay dapat ding kinakatawan ng hindi bababa sa 3 porsiyento ng mga rehistradong botante. Sa kasalukuyan ay may mahigit 67 milyong rehistradong botante sa Pilipinas.
Ang pagkakaroon ng sapat na mga pirma ay karaniwang mapipilit ang 24 na miyembro ng Senado na bumoto nang sama-sama sa 315 na miyembro ng Mababang Kapulungan.
“Malalampasan nito ang senado,” saad pa ni Pabillo.
Samantala, maliban kay Pabillo, nananawagan din ang isa pang obispo ng Katoliko na si Marcelino Antonio Maralit Jr. mula Boac, Marinduque.
Gaya ni Pabillo, nais din ni Maralit na huwag tanggapin ng mga mamamayan ang nasabing signature campaign na nagsusulong ng Charter Change sa pamamagitan ng diumano’y people initiative dahil sa hindi umano tinalakay ng masusi ang nasabing usapin.