Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Community
  • Police Report
  • Boarding house sa Tiniguiban, pinasok; kawatan, arestado
  • Police Report

Boarding house sa Tiniguiban, pinasok; kawatan, arestado

Repetek News

June 9, 2025 2 minutes read
505406778_1189128329892761_669093254709992440_n

Photo courtesy: Puerto Princesa City Police Office-Station 2

Arestado ng mga kapulisan ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) ang lalaking umano’y pumasok at nagnakaw sa isang boarding house sa Barangay Tiniguiban sa lungsod ng Puerto Princesa.

Batay sa imbestigasyon ng City Police Office, bandang alas-5:30 ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang inuupahang boarding house ng 26-anyos na biktima sa Purok San Francisco 2 sa nasabing barangay.

Naaktuhan naman ng biktimang babae ang insidente kaya mabilis na tumakas ang suspek sa ‘di malamang direksyon.

Agad na tumungo ang biktima sa tanggapan ng Police Station 2 upang ipagbigay-alam ang insidente. Humingi rin ng agarang saklolo sa naka-on duty na Barangay Tanod sa lugar ang biktima.

Mabilis namang hinanap ng mga Bgy. Tanod ang mga kuha ng CCTV mula sa barangay na kung saan agarang nakilala ang suspek.

Agad na ikinasa ng mga awtoridad ang hot pursuit operation dahilan para maaresto ang suspek.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na isang 21-anyos na lalaki na empleyado ng isang gas station at residente rin ng nasabing barangay.

Nakuha mula sa pangangalaga ng suspek ang mga ninakaw nitong gamit kabilang na isang kwintas na nagkakahalaga ng ₱15,000, apat na ATM cards, isang driver’s license, at ₱1,000 cash.

Nakatakda namang sampahan ng kaukulang kaso ang suspek na hawak na ngayon ng PS2.

Author

  • Pong Idusora
    View all posts

About the Author

Pong Idusora

View All Posts

Post navigation

Previous: Basketball team ng Aborlan, ninakawan
Next: Gamot at ospital, pangunahing suliranin sa Balabac; military bases, itatayo roon

Related News

Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
Joshua Lavega Abrina
  • Headlines
  • Palawan Affairs
  • Police Report

Imbestigasyon sa pamamaslang kay Abrina, tinututukan

Repetek News

September 19, 2025
2
  • Headlines
  • Metro Puerto
  • Police Report

Nahulog sa ginagawang kalsada?

Repetek News

August 21, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.