Isang napakagandang hakbang ang pagbubukas ng platform upang magkaroon ng diretsong ugnayan ang opisina ng Punong Alkalde sa kaniyang nasasakupan.
Para sa isang lider na subsob sa trabaho, madalas ay hindi na napagtutuunan ng pansin ang ibang bagay na ang alam ya ay mayroon na o mayroong tao na nakatalaga upang gumawa nito.
Sa ilalim ng Local Goverment Code of 1991 (LGC) ay nakapaloob ang mga polisiya, kundisyon, mga opisina na dapat mayroon ang isang lokal na pamahalaan at mga posisyon sa gobyerno na dapat punuan upang mapatakbo ito nang maayos.
Sa isang huwarang pamahalaan na nakaayon sa batas ay masasabing maayos ito dahil kumpleto ang LGC sa mga dapat mayroon sa pagtatayo, pagpapatakbo ng isang bayan, lalawigan, lungsod at pati na ng barangay.
Ito ay masasabing huwaran dahil sa lahat ng pangangailangan ng mamamayan ay natutugunan nang hindi na kailangan pang hingiin. Lahat ay kuntento sa serbisyo ng pamahalaan.
Hindi man kailangan pang banggitin na ang buwis na ibinabayad ng mga tao ang ginagamit ng pamahalaan upang ito ay mapatakbo kaya masasabi na ang tao ang nagpapasuweldo sa mga empleyado ng gobyerno. Sa pagbabayad na ito ay alam na tatanggap ng serbisyo ang mga tao sa kanilang mga tagapaglingkod. Alam na, ika nga.
Ngunit maraming pagkakataon na kahit gaano kagaling ang lider ay mayroong ibang pasaway na opisyal na hindi nagagawa nang mabuti ang kanilang trabaho. Kahit naman ito ay masasabing kasalanan ng iba ngunit ang pagkukulang na ito ay sumasalamin madalas sa pinakapinuno dahil maaring sabihin na hindi niya napapamahalaan nang mabuti ang kaniyang mga tao. Na kung tutuusin naman sana ay hindi na kailangan dahil sa ang lahat ng posisyon ay may kaniya-kaniyang parte sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Ito ay nakasulat din sa LGC.
Sa ganitong sitwasyon ay hindi na magaling na lider na maituturing ang isang Punong Ehekutibo, partikular. Paano na malalaman ng isang lider kung ano ang nangyayari sa kaniyang bayan kung hindi nakararating sa kaniya ang problema o kung makarating man ay hindi nya na maasikaso nang personal dahil sa dami ng trabaho na kailangan gampanan at tapusin. Kaya naman para sa ibang tao, siya ay nagiging bingi o bulag na sa katotohanan at pangangailangan ng taumbayan na humahantong sa kawalan ng pag-asa at pagtitiwala sa nasabing lider. Paano nga ba maibabalik ang pagtitiwala ng mga tao na umasa sa mga pangako. Katulad ng samahan na nagkaroon ng alitan o tampuhan, ang kailangan ay komunikasyon upang muling maintindihan kung ano ang naging problema o dahilan.
Sa pagbubukas ng komunikasyon ay mabubuksan ang pag-uusap at magkakaroon muli ng daan upang maintindihan ng lider ang kaniyang mga nasasakupan. Malalaman niya rin kung ano ang mga pagkukulang sa dapat sana ay direktang naibibigay sa kanila. Dati ang simpleng pakikipagkamay sa mga botante ay makapagbibigay ng punto. Sa ngayon, ang simpleng komunikasyon ay mas mabisang paraan upang maramdaman ng mga mamamayan na sila ay inaalala ng gobyerno.
Kung ang kanilang hinaing ay mapapansin at tuluyang matutugunan ay nagpapakita ng magandang serbisyo ng pamahalaan. Kung ito ay magagawa nila ng hindi na nahihirapan pa sa pagpila sa opisina ng gobyerno ay mas lalong mainam dahil mas marami ang matututo na maging bahagi ng pagbabago sa pamamagitan ng paghahatid ng mga balita at kaalaman, negatibo man ito o positibo.
Ang partisipasyon ng mamamayan sa paghahatid ng isyu ay nagpapakita rin naman ng tiwala sa pamahalaan upang ang kanilang hinaing ay matugunan. Dapat lamang na ito ay mapansin naman ng kinauukulan, na kung hindi man agad-agad ang lunas ay alam nila na mayroong plano o gagawin ang mga lider. Kung magkaganon ay maibabalik muli ang huwarang pamahalaan na nararapat lamang para sa mga mamamayan na nagbigay tiwala sa mga lider nito.