Ni Clea Faye G. Cahayag
INANUNSYO na ni Punong Lungsod Lucilo Bayron ang venue para sa ikalawang edisyon ng “Save the Puerto Princesa Bays”, isang programa ng lokal na pamahalaan na layuning mapanatili ang malinis na tubig at maagapan ang posibleng polusyon sa mga katubigan sa lungsod.
Aniya, ito ay nakatakdang isagawa sa barangay Bagong Silang sa darating na ika-12 ng Agosto taong kasalukukyan.
“This week marami tayong coordination meetings kasi nai-set na naman uli natin ang “Save the bays of Puerto Princesa” sa August [12 sa susunod na] darating na Sabado. Na- identify na yung venue sa [barangay] Bagong Silang at inaasahan namin ang participaton ng lahat, pagtulungan natin ito kasi hindi lang tayo dapat ang magtrabaho kundi ang buong Puerto Princesa,” ayon kay Mayor Bayron.
Ilan lamang sa aktibidad sa ilalim ng programa ang Mudball Throwing at Scoop Basura Version 2.0.
Magsisimula ng 4:30 AM ang pagpaparehistro ng mga partisipante at 6:00 AM naman magsisimula ang mismong programa.
Matatandaan, unang isinagawa ang Save the Puerto Princesa Bays sa barangay Mandaragat noong Hulyo 15 na ayon kay Kapitan Gerry Abad mas naging responsable ang mga residente pagdating sa kalinisan sa kanilang barangay batay sa City Information Office (CIO).
Samantala, nangako naman ang ECO-Lek sa ilalim ng Project Zacchaeus na susuportahan nila ang makakalikasang programa ng lokal na pamahalaan.