Photo courtesy | IPPF
Ni Marie F. Fulgarinas
PUERTO PRINCESA CITY — Nasa 500 cashew seedlings mula sa target na 800 seedlings ang itinanim ng mga kawani ng Bureau of Corrections (Bucor) nitong Martes, Nobyembre 14.
Ang aktibidad ay alinsabay sa ika-119 founding anniversary ng Iwahig Prison & Penal Farm (IPPF) na kung saan inatasan ang lahat ng kawani na makiisa sa mga programa ng nabanggit na pagdiriwang batay sa memorandum order na nilagdaan ni Corrections Chief Inspector & Superintendent Gary Garcia.
Ayon kay Levi Evangelista, tagapagsalita ng kolonya, nasa tatlumpung (30) ektaryang lupain ang napagtamnam ng mga punong kasoy sa Kabudlungan area na pagmamay-ari ng IPPF Central Sub-Colony.
Samantala, nagkaroon naman ng Zumba Dance, Color Fun Run, at Spartan Race ang mga kawani ng corrections ngayong araw ng Miyerkules, Nobyembre 15.
Sa darating na Huwebes, Nobyembre 16, magsasagawa rin ng Holy Mass at Awarding Ceremony ang kolonya.