KAPANA-PANABIK ang inaasahang pagdating ng apat na luxury cruise ships sa Puerto Princesa sa buwan ng Enero 2025 na magdadala magandang simula para sa masiglang ekonomiya ng lungsod.
Batay sa inisyal na impormasyong, nakalap ng
Repetek News
, lulan ng mga luxury cruise ships ang libu-libong turista mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo na bibisita sa mga tanyag na atraksyon ng lungsod sa inaasahang pagdaong ng mga ito sa susunod na buwan.Inaasahang darating sa lungsod ang MS Noordam, AIDAstella, Norwegian Sky, at Seabourn Encore.
Ang MS Noordam ay bahagi ng Holland American Line na kilala para sa kanyang klasikal na karangyaan at world-class na serbisyo na may kapasidad na maglaman ng tinatayang 1,924 na pasahero, na inaasahang darating sa Enero 7.
Nasa 2,700 passenger capacity naman ang AIDstella na kilala sa kanyang moderno at eleganteng state-of-the-art facilities na inaasahang darating sa Enero 12.
Inaasahan din tutungo ang Norwegian Sky na isang luxury cruise ship ng Norwegian Cruise Line, na may kapasidad na maglaman ng 2,004 na pasahero. Ang nasabing cruise ship ay kilala sa elegant interiors, maraming iba’t ibang makakainan na mapagpipilian, at recreational activities, na inaasahang dadaong naman sa Enero 15.
At ang Seabourne Encore na isang luxury cruise ship ng Seabourn Cruise Line na may passenger capacity na 604. Ito ay kilala sa kanyang exclusive oceanfront suites at world-class ameneties.
Samantala, dumating kahapon sa Puerto Princesa ang MV Silver Dawn na may kapasidad na maglaman ng aabot sa hanggang halos 700 pasahero habang kasalukuyan naman nakadaong sa pier ng lungsod ang MV Norwegian Spirit matapos bumisita sa Coron, Palawan nitong Disyembre 27, at ikatlong beses naman kahapon sa Boracay ngayong taon.
Ang mga libu-libong turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo na sakay ng mga luxury cruise ships na ito ay nagkakaroon ng pagkakataong tuklasin ang kagandahan at matikman ang masasarap na pagkain sa lungsod, na magpapasigla sa industriya ng turismo.