PUERTO PRINCESA CITY — MAS mapapabilis na ang pagresponde sa anumang kalamidad partikular sa mga posibleng insidente ng sunog sa komunidad dahil magkakaroon na ng tanggapan ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa munisipyo ng Busuanga, lalawigan ng Palawan.
Ayon sa Public Information Office ng munisipyo, ang proyekto ay nagkakahalaga ng sampung milyon.
Ang pagpapasinaya ng bagong Fire Station ay isinagawa nito lamang ika-1 ng Hulyo.
Ang seremonya ay dinaluhan naman nina Mayor Elizabeth M. Cervantes, Vice Mayor Elvin D. Edonga, SB John Silver D. Edonga, SB Tommy Cruz, MLGOO Alfredo Balane, Jr., SFO1 Mark Anthony G. Llacuna, Acting Municipal Fire Marshall, Allan A.Guian, MDRRMO, Police Lieutenant Gregorio Almeniana Bona, Deputy Chief, Busuanga PNP-MPS, at mga Department Heads ng naturang munisipyo.