Photo Courtesy | Busuanga Public Info.

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan – Naglabas ng babala ang Busuanga Public Information ngayong araw ng Sabado, Hunyo 14, 2024, tungkol sa mga naglipanang fake account sa Facebook.

Ayon sa munisipyo, hindi umano nila kinokonsente o sinusuportahan ang anumang pahayag na nais ipakalat ng naturang mga fake account na waring sinisiraan ang mga mamamayan ng Coron gamit ang pangalan ng kanilang bayan.

Nai-report na rin umano nila ang nasabing account sa pamunuan ng Facebook at inaalam ang mga posibleng nasa likod nito.

Matatandaang kamakailan lang ay nagkaroon ng komprontahan sa pagitan ng grupo ng vloggers na sina Rosmar at Rendon Labador sa isang staff ng munisipyo ng Coron kaugnay ito sa isang post ng staff sa social media na ikinagalit ng grupo nina Rosmar na kung saan ay umani ng samu’t saring reaction sa social media platform.