Photo courtesy | Busuanga Information Office

Ni Marie F . Fulgarinas

Pinasinayaan nitong araw ng Sabado, Oktubre 2, ang bagong tayong Slaughterhouse sa bayan ng Busuanga, Palawan, na pinondohan ng kabuuang walong (8) milyong piso mula sa Lokal na Pamahalaan at National Meat Inspection Services.

Ayon sa information office ng bayan, ang seremonyas ay pinangunahan nina Municipal Mayor Elizabeth Cervantes,Municipal Agriculturist Ma. Theresa Rabe,System Processor and Construction Corporation Project-in-charge Engr. Jhon Kristian Labrada, Ginoong Marlo Dagomboy, Municipal Engr. Edilberto Gatchalian.

Inihayag din ng tanggapan na naisagawa ang proyekto dahil sa pagpupursige ng alkalde na magkaroon ng Class “AA” Slaughterhouse ang nabanggit na bayan.

Kaugnay rito, ang Class “AA” ay isang uri ng Meat Establishment na maaaring magbenta ng karne sa ibang bayan sa loob ng bansang Pilipinas.

Samantala, nagpasalamat naman si Cervantes sa lahat ng naging bahagi ng pagsasakatuparan ng dekalidad na proyekto.

Author