PUERTO PRINCESA CITY — Nakiisa sa isinagawang Clean-up drive sa Bayan ng Bataraza, Palawan, ang mga miyembro ng CARDAMA Rural Improvement Club nitong Setyembre 28 na may temang Season of Creation 2024 To Hope and Act with Creation”, na layunin ang pagsama-samang pagkilos sa pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran.
Ayon sa press release, tulung-tulong na na naglinis ng dalampasigan, simbahan, at iba pang bahagi ng kanilang bayan ang mga indibidwal na nakiisa mula sa iba’t ibang tanggapang nasyunal, mga kabataan, at iba pang residente.
Dagdag dito, kaisa ng komunidad ang kanilang tanggapan sa pagsusulong ng mga adhikain at gawain na hindi lamang mag-aangat sa kabuhayan ng mga mamamayan, kundi maging sa pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan tungo sa patuloy na pagkamit ng kagalingan ng buong sambayanan.
Kaugnay rito, ito ay inorganisa ng pamunuan ng Immaculate Conception Parish katuwang ang lokal na pamahalaan ng nasabing munisipyo.
Ang CARDAMA Rural Improvement Club ay isa sa mga samahang tinutulongan ng SAAD Program Phase 2 sa nabanggit na bayan.