Ni Vivian R. Bautista
TINANGGAP ni Busuanga Mayor Elizabeth Cervantes ang tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng P50,000.00 nitong ika-12 ng Setyembre, taong kasalukuyan.
Ang nasabing cash aid ay suporta sa kampanya kontra droga ng Pamahalaang Panlalawigan bilang pagtalima sa DILG-DDB JMC No. 2018-01.
Dumalo sa pagpupulong sina PADAP Program Manager Eduardo Modesto V. Rodriguez at Provincial Public Employment Services Office (PESO) OIC Orphy C. Ordinario habang kinatawan naman ng bayan ng Busuanga sina Municipal Accountant Eunice Tibudan, Municipal Budget Officer Aida Dominguez, at Municipal Treasurer Marlo Friolo.
Hangarin ni Palawan Governor Victorino Dennis Socrates na mapaigting ang mga programa at kampanya kontra iligal na droga sa lalawigan.
Samantala, inaasahan namang magkakaroon ng pamamahagi ng cash aid sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.
Dagdag dito, sa nais maging kwalipikado sa tulong pinansiyal, ang bawat MADAC ay kinakailangang magsumite ng mga kaukulang dokumento.