Ni Ven Marck Botin

Pamamahagi ng cash cards para sa mga Listahanan Identified Poor na benepisyaro mula sa mga Bayan ng El Nido at Taytay, Palawan, isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA at Land Bank of the Philippines (LBP) West PPC branch, nitong araw ng Sabado, ika-5 ng ngayong Agosto 2023.

Ayon sa ulat ng DSWD Field Office MIMAROPA, ang nasabing aktibidad ay kaugnay sa mga benepisyaryong hindi nakatanggap ng cash cards noong taong 2020 kung saan naglalaman ito ng โ€œcash grants mula sa Unconditional Cash Transfer (UCT) at Targeted Cash Transfer (TCT) Programsโ€ ng ahensya.

Dagdag ng ahensya, magpapatuloy ang pamamahagi ng cash cards sa iba pang bayan ng lalawigan ng Palawan sa mga susunod na araw ng kaparehong buwan.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa DSWD DSWD Social Welfare and Development Team (SWADT) Palawan o sa inyong mga lokal na pamahalaan.