PHOTO//DSWD FIELD OFFICE MIMAROPA

Ni Vivian R. Bautista

𝘐𝘚𝘐𝘕𝘈𝘎𝘈𝘞𝘈 𝘴𝘢 𝘉𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘓𝘢𝘵𝘶𝘥, 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘙𝘪𝘻𝘢𝘭, 𝘗𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘳𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘈𝘣𝘳𝘪𝘭 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘩𝘰𝘥 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘦𝘯𝘦𝘱𝘪𝘴𝘺𝘢𝘳𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘊𝘢𝘴𝘩-𝘧𝘰𝘳-𝘞𝘰𝘳𝘬 (𝘊𝘍𝘞) 𝘯𝘢 𝘱𝘳𝘰𝘺𝘦𝘬𝘵𝘰 𝘯𝘨 𝘒𝘈𝘓𝘈𝘏𝘐-𝘊𝘐𝘋𝘚𝘚 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘯𝘨 𝘗4,500.00 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘪𝘴𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘭𝘢𝘭𝘪𝘮 𝘯𝘨 𝘓𝘪𝘷𝘦𝘭𝘪𝘩𝘰𝘰𝘥 𝘚𝘶𝘱𝘱𝘰𝘳𝘵 𝘵𝘰 𝘚𝘦𝘢 𝘊𝘶𝘤𝘶𝘮𝘣𝘦𝘳 𝘗𝘳𝘰𝘥𝘶𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯.

Magsisilbing puhunan ang kanilang natanggap na suweldo para sa pagbili ng mga semilya o balat ng sea cucumber na kanilang palalakihin, aalagan, at magiging negosyo o hanapbuhay.

Sa Facebook post ng DSWD Field Office MIMAROPA, aabot sa isang daan at sampung (110) kabahayan ang mga naging benepisyaryo ng nasabing proyekto.
Ang pamamahagi ng sahod sa mga benepisyaryo ay naging maayos at mabilis umano dahil una nang naisaayos ng barangay at mga community volunteers ng programa ang mga kinakailangang dokumento ng mga manggagawa.

Ang mga nasabing benepisyaryo ay sumailalim sa mga pagsasanay ukol sa produksyon ng Sea Cucumber at pinagkalooban ang mga ito ng net na may sukat na 20x30cm na ginamit sa paggawa ng kani-kanilang mga hawla na magagamit sa proyektong Pangkabuhayan.

Samantala, patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng mga KALAHI-CIDSS staff sa mga opisina ng gobyerno upang makatulong sa pagpapanatili ng nasabing proyekto.

Author