NAIS hilingin ng Sangguniang Panlalawigan sa Department of Agriculture (DA) na mabigyan ng tulong pinansyal ang mga magsasaka at mangingisda sa Palawan na naapektuhan ng nangyaring malawakang pagbaha dahil sa shear line.
Sa pamamagitan ng kalatas ni Board Member Ariston D. Arzaga, isinulong ang panukalang resolution na may titulong “Earnestly recommending to the Secretary of the Department of Agriculture for all the provisions of cash grants to all farmers and fisherfolks in the province of Palawan affected by the recent flooding brought about by shear line to provide them adequate social services in order to obtain sustained livelihood productivity.”
Layunin ng panukalang resolusyon na maibsan ang hirap na dinaranas ngayon ng mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng inaasahang pagkakaloob ng cash grants na magagamit upang muling makapagsimula sa kanilang hanapbuhay dahil sa pinsalang dulot ng naranasang malawakang pabaha.
“Nakita naman natin ang paghihirap ng ating mga farmers at fisherfolks magmula pa noong last year—nu’ng El Niño, kasagsagan ng pagbaha, typhoons and then ngayon na naman.
Isang kahilingan po ito na sana mapagbigyan ng Department of Agriculture at makita ang pangangailangan na talagang tulungan ang ating mga farmers at fisherfolks”, paliwanag ni BM Arzaga.