Magkakaroon na ng biyahe sa Cebu at San Vicente, Palawan, ang Cebu Pacific simula Oktubre 24, taong kasalukuyan.
Ang direct flights na ito ay tuwing araw ng Martes, Huwebes, Sabado, at Linggo.
“Starting October 24, 2024, CEB will operate flights between Cebu and San Vicente four times weekly – every Tuesday, Thursday, Saturday and Sunday,” ayon sa impormasyon mula sa naturang airline.
Ayon kay CEB President, Chief Commercial Officer Xander Lao, ang bagong ruta ay magbibigay ng oportunidad sa mga biyahero na mapuntahan ang mga pristine beaches at fishing villages sa San Vicente.
Makatutulong din ito upang mas paunlanrin ang inter-island connectivity at magbigay ng abot-kayang flights sa bawat isa.
Kaugnay nito, simula ika-26 ng Hunyo, ang mga pasahero ay maaari nang mag-book ng direct flights sa pagitan ng Cebu at San Vicente ,” for as low as PHP 1 one-way base fare” para sa biyahe sa pagitan ng mga petsang Oktubre 24,2024 at Marso 29,2025.
Dagdag pa rito, ang connecting flights naman sa San Vicente mula Maynila ay available na rin sa halagang “PHP 998 one-way base fare with booking open until June 30, 2024, for the same travel period. Bookings are exclusive of fees and surcharges”.
Sa ngayon ang CEB ay mayroong 35 domestic at 25 international destinations sa Asia, Australia at Middle East.