Photo courtesy | AFP WESCOM

Personal na binisita ni Commander of Communications, Electronics, and Information Systems Service AFP (CEISSAFP ) Brigadier General Constancio M. Espina II ang tanggapan ng Western Command (WESCOM) nitong Disyembre 9, taong kasalukuyan.

Kasama ni Espina sa kanyang pagbisita ang kanyang deligasyon malugod naman silang tinanggap ni WESCOM Commander Vice Admiral Alfonso F. Torres Jr. PN.

Ang kanyang pagbisita ay kasabay ng Change of Command Ceremony ng 42nd CEISC Coy, CEISSAFP, na ginanap sa Rizal Reef Hall, WESCOM.

Samantala, nakatakda namang bisitahin ni WESCOM, BGEN Espina at ang kanyang partido na Pag-asa Terminal Station, ang 422nd CEIS Platoon, at Pag-asa Island, Kalayaan para magsagawa ng inspeksyon sa mga pasilidad ng C4S.

Pinarangalan din ng command ang pagdating ng grupo ni BG Espina kung saan ay masaya itong humarap sa iba pang panauhin.