Photo courtesy | Jervis Manahan/Palawan Patriots
PUERTO PRINCESA CITY — Sa pangunguna ng Palawan Patriots for Peace and Progress, nagkaroon ng pagkakataon ang ilang grupo mula sa lalawigan na lumahok sa kauna-unahang Christmas convoy, isang civilian supply mission sa West Philippine Sea (WPS) na magdadala ng mga regalo sa mga mangingisda’t nakatalagang tauhan ng bansa.
Makikita sa mga larawan ang send off activities ng Christmas convoy sa WPS kasama ang mga indibidwal na binubuo ng mga organisasyong Ahon Palaweño, Saguda Palawan, Chef Aiza’s Community Kitchen, Palawenyo Savers Club, Environmental Legal Assistance Center (ELAC), at Pioneer Publication ang official student publication ng Palawan State University o PalSU.
Layunin ng programa na magpakita ng suporta sa mga sundalo’t mangingisda sa lugar na nasa teritoryong nasasakupan ng lalawigan ng Palawan.