Nakiisa ang mga Palaweño sa ginawang Lighting of Christmas Decors Ceremonial sa Provincial Capitol kagabi, Lunes, Disyembre 9.
Makikita ang naggagandahan, makukulay at iba’t ibang dekorasyon ng Christmas tree ng kapitolyo.
Ang pagpapailaw ay simbolo sa pangako ng kapitolyo na magakaroon ng masagana, payapa at masayang pamumuhay sa pagdiriwang ng kapaskuhan ang bawat mamamayan sa lalawigan.
Ang pamaskong dekorasyon at pailaw sa kapitolyo ay masisilayan mula ika-6:00 hanggang ika-11 ng gabi.
Samantala, isang pagtatanghal ang inihandog ng Performing Group ng kapitolyo para magbigay aliw sa mga manonood.