Photo courtesy |

Repetek News

Team

PALAWAN, Philippines — Ibinahagi ni Coach James R. Lagan nitong nakalipas na Lunes, Oktubre 14, na handa na ang mga atletang mula sa Lungsod ng Puerto Princesa na makipagsabayan sa 500 meters at 200 meters categories pati rin sa Mixed Master category sa ikakasang 2024 ICF Dragon Boat World Championships na isasagawa sa City Baywalk sa darating na ika-25 ng nabanggit na buwan.

Ayon pa kay Lagan, ang grupo ng mga atleta ng lungsod ay mayroong limang (5) babae at limang (5) lalaking miyembro na nag-eedad 40 pataas na lalahok din sa Open Category na sampuan (10).

Kakasa rin ang sa full boat category ang grupo na binubuo ng 22 paddlers na kumbinasyon ng left and right side, isang (1) signal man at isa (1) source man.

Liban dito, inihayag din ni Lagan na siya ang founder at kasalukuyang chairman ng Batang Atleta nationwide.

“Ang pangunahing layunin ng batang atleta ay tumulong sa mga kabataan partikular [sa] Out of School Youth (OSY).

Sa ngayon, umabot na sa kalahating milyon ang miyembro ng Batang Atleta [na] karamihan dito ay galing sa Palawan State University (PalawanSU), Holy Trinity University (HTU), at Palawan National School (PNS),” pahayag ng coach.

Samantala, nagpaabot naman ng cash aid si Konsehal Jonjie Rodriguez para sa mga atletang tubong Puerto Princesa na lalahok sa Ikatlong Bersiyon ng International Canoe Federation (ICF) Dragon Boat World Championships.

“Gusto ko lamang pong sabihin kay head coach Lagan kung p’wede ay samahan po ninyo ang inyong treasurer para kunin po [r]oon sa opisina ko ang aking suporta…” ani Rodriguez

Author