Photo courtesy | Repetek news

Kinilala ng iba’t ibang ahensya ng Pamahalaang Nasyunal ang kakayanan sa pamumuno at pamamahala ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa sa ilalim ng liderato ni City Mayor Lucilo R. Bayron na nanguna sa maraming lebel ng implementasyon.

Ang mga iginawad na plake ng pagkilala ay kinabibilangan ng mga sumusunod: iginawad ng Presidential Communication Office ang isang (1) plake ng pagkilala para sa City Ordinance No. 1264, ang Freedom of Information Ordinance ng siyudad.

Tumanggap din ng limang (5) plake mula sa MIMAROPA Population Commission (POPCOM) na binubuo ng Population and Development (PopDev) Policy Leadership Award, PopDev Office of the Year, PopDev Officer of the Year, PopDev Initiative Implementation Award at PopDev Institutional Capacity Development Award.

Isang sertipiko mula sa The Challenge Initiatives ang iginawad para sa pagiging Global Sustainability Award for Family Planning and Sexual and Reproductive Health.

Nakatanggap din ng pitong (7) plake ng pagkilala mula sa Bureau of Local Government Finance ng Department of Finance. Ang mga ito ay Rank 1 para sa Special Educational Fund Budget Disbursement Rate na 72.30 porsiyento; Rank 1 sa Compliance in the Submission of LGU Reports na may average na 3.98 days; Rank 1 sa Collective Efficiency of Locally Sourced Revenues na 102.70 porsiyento; Rank 1 Year on Year Growth in Locally Sourced Revenues na 28.60 porsiyento; Rank 1 Locally Sourced Per Capita na 3,030 porsiyento per person; Rank 1 Nominal Locally Sourced Revenues na 1,046 Billion; at nakuha naman ng City Assessor ang Rank 1 Taxable Assessed Value.

Tumanggap din ang Pamahalaang Panlungsod ng Bronze Seal of Protection mula sa Government Seal of Protection Program ng Government Social Insurance System (GSIS). Kinikilala nito ang mga LGUs na may akma at sapat na siguro para sa mga pag-aari nito.

Samantala, nagunguna rin ang Pamahalaang Panlungsod sa kinita noong 2023 na mas higit pa sa buwanang National Tax Allotment. “We had our first billion… ibigsabihin nito.. hindi na tayo NTA dependent,” pahayag ng alkalde.

Author