PHOTO || CITY INFORMATION OFFICE

Ni Clea Faye G. Cahayag

Ang Maximotors Corporation ay nag-donate ng isang service vehicle sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Puerto Princesa.

Ang signing at turn over ceremony nito ay isinagawa nitong ika-21 ng Hulyo. Ito ay pinangunahan nina City Mayor Lucilo R. Bayron; Mr. Takeshi Hara, Presidente at CEO ng Mitsubishi Philippines; at Mr. Winston Ong Lo, Vice President ng Maximotors Corporation.

Ang donasyong sasakyan ay isang pulang Mitsubishi Mirage.
Ito ay ipinagkaloob sa city government bilang bahagi sa paggunita ng ika-10 anibersaryo ng Maximotors Corporation.

“I wish that here in Palawan, we will have further more growth in the future” ani Hara.

Ayon naman kay Bayron, ang sasakyan ay gagamitin partikular sa paghahatid ng mga notices sa iba’t ibang opisina.

“Dumating din ‘yung Presidente ng Mitsubishi Philippines at ‘yung management ng Maximotors – ang maganda dumating sila na may dalang kotse, [ibinigay] sa atin [isang] Mirage. [Ibinigay] sa City Government of Puerto Princesa at ngayong umaga i-assign natin kay Atty. Arnel (Pedrosa) kung kailangan niyo magsabi lang kayo kay City Ad (Administrator) para magamit, hindi siya assigned sa isang opisina, si City Ad lang ang magkontrol.

“’Yung Bids and Awards Committee (BAC) maraming hinahatid na notices, ‘yung General Services Office (GSO), ‘yung admin dahil kada meeting daming hinahatid na notices kung umuulan hirap kung motorsiklo lang kaya gagamitin natin ‘yun sa ganu’n,” ang naging pahayag ng Alkalde matapos ang flag raising ceremony nitong araw ng Lunes.