Madadagdagan ang police visibility sa lungsod ng Puerto Princesa dahil ang city government ay magtatayo ng bagong istasyon ng pulis, ito ang inanunsyo ni Punong Lungsod Lucilo Bayron sa flag raising ceremony ngayong araw ng Lunes, Agosto 5.
“Bago ko makalimutan, nag-usap na rin kami ni Police Coronel Ronnie Bacuel na ang pamahalaang lungsod ay magpapatayo ng bagong police station doon sa may Sta. Lourdes
Ang purpose ng police station doon ay upang magkaroon tayo ng ang tawag ko du’n ay ‘locking point’ para kung may problema sa bayan [mayroong] communication sasabihan sa Sta. Lourdes [police station] isara niyo [ang kalsada] dyan, sabihan niyo ‘yung Irawan [police station] isara niyo [ang kalsada] riyan para hindi makatakas ‘yung manggagaling sa bayan via land transport.
Kung galing sa labas, sasarahan nila, hindi makakapasok sa loob. Yun din ang initial purpose bakit tayo naglagay ng police station sa [Barangay] Irawan,” ang anunsyo ng Alkalde ngayong umaga.
Aniya, ang itatayong istasyon ng pulis sa Sta. Lourdes ay mas malaki at mas moderno sa mga umiiral na police station sa siyudad.
Umaasa si Bayron, ang pagpapalakas sa puwersa ng kapulisan ang lalong mag-i-inspire sa mga pulis na gampanan ang kanilang tungkulin partikular sa pagbibigay ng seguridad at katahimikan sa Puerto Princesa City.