Sa flag raising kaninang umaga ng City Government, nagpasalamat si Punong Lungsod Lucilo Bayron sa City DepEd sa malaki nitong kontribusyon sa nagpapatuloy na Batang Pinoy 2024 na isinasagawa sa Puerto Princesa.
Binigyang-diin ng alkalde na malaking tulong ang pagpapahiram ng mga silid-aralan para magsilbing billeting areas ng mga kabataang manlalaro ng Batang Pinoy.
“Gusto kong kunin ang pagkakataon na mapasalamatan ang City DepEd dahil malaki ang kontribusyon nila talaga rito sa billeting ng mga manlalaro ng Batang Pinoy.
Tuwang-tuwa ang mga delegations sa reception, at saka, sa pag-estima sa kanila mula sa arrival hanggang sa pag-transport nagkagulu-gulo dahil ‘yong iba dumarating na wala namang pasabi na darating pero kahit papaano naasikaso at masaya sila na inasikaso sila ng mga school heads, ng mga teacher, at mga Parent Teacher Association (PTA) sa mga billeting areas natin,” ang tinuran ng alkalde matapos ang flag raising.
Matatandaan, ang Philippine Sports Commission (PSC) ay nagbigay ng ₱3 milyong pondo para sa transportasyon ng mga atleta patungo sa mga playing venue.
Dagdag pa rito ang ₱1 milyon bilang subsidiya sa pagbayad ng electricity at water bills habang nanunuluyan ang mga kabataang atleta sa mga paaralan sa lungsod.