Photo courtesy | PPCPO
Ni Marie F. Fulgarinas
PALAWAN, Philippines — Nagbabala sa publiko ang pamunuan ng Puerto Princesa City Police Office kaugnay sa pagbili ng mga kagamitan na galing sa nakaw kung saan may parusang pagkakulong sa ilalim ng Presidential Decree Bilang 1612 na mas kilalang Anti-fencing law.
Anila, ang “anti-fencing law ay isang espesyal na batas kung saan ginawang krimen ang pagbili ng isang bagay na ninakaw sa pamamagitan ng robbery o theft na [mayroon] pagkakaalam na ito ay galing sa nakaw”.
Babala pa ng opisina na “huwag bumili ng bag na galing sa nakaw upang hindi ka madamay.”