PHOTO || MUNICIPAL GOVERNMENT OF CORON

Ni Ven Marck Botin

Patuloy ang isinasagawang cleaning at clearing operations ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Coron, Palawan sa mga pangunahing lansangan sa lugar na naapektuhan dulot ng pananalasa ng #BagyongEgayPH sa bansa.

Photo || Municipal Government of Coron

Ayon sa ulat, tulong-tulong ang mga tauhan ng tanggapan ng Municipal Engineering Office, Municipal Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) katuwang mga kapulisan, Philippine Coast Guard (PCG), at Bureau of Fire Protection (BFP) upang maging maayos ang daloy ng trapiko sa lugar.