PUERTO PRINCESA CITY – ISANG pasahero ng barko ang agad na tinulungan ng Coast Guard District Palawan (CGDPAL) nitong Abril 25, 2024 sa lungsod ng Puerto Princesa.
Agad nagsagawa ng medevac operation ang CGDPAL katuwang ang mga crew ng M/Y PalauSport X matapos na ipagbigay-alam ang ukol sa isang 71 taong gulang na Canadian citizen, at kasama nitong si Mrs. Dagmar Veronica Chan, na agad isinakay sa rescue boat upang upang mailipat sa pantalan ng lungsod kung saan ay naghihintay ang sasakyang maghahatid sa kanila sa Adventist Hospital.
Ayon sa CGDPAL, napag-alaman umanong nakalunok ng tubig-dagat sa isang diving activity ang turista na naging sanhi ng pagsama ng kondisyon ng kalusugan nito na nangangailangan ng agarang atensyong medikal.
Kaisa din ng Coast Guard sa nasabing operasyon ang Coast Guard Station Central Palawan (CGSCP) at Coast Guard Medical Clinic Palawan.
Patunay lamang ito na ang nasabing operasyon ay binibigyang-diin ang kahalagahan ng paghahanda at pagtutulungan sa mga emerhensiyang pandagat sa pamamagitan ng mabilis na pagtugon at epektibong pagtutulungan ng bawat grupo.