Photo courtesy | Coast Guard Station Eastern Palawan

Ni Marie Fulgarinas

Naka-heigtened alert na ang iba’t ibang istasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa bansa at lalawigan ng Palawan sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong balik-eskuwela 2024 simula nitong Hulyo 27 hanggang ika-3 ng buwan ng Agosto.

Mahigpit na ipinatutupad ng ahensya at Kagawaran ng Transportasyon ng Pilipinas o Department of Transportation – Philippines (DOTr) ang Oplan Biyaheng Ayos: Balik Eskwela para sa maayos na seguridad ng mga mananakay at mga pampubliko’t pampribadong establisyemento.

Dagdag dito, activated na rin ang “DOTr Malasakit Help Desks” sa bawat pantalan sa bansa.

Samantala, sa oras ng emerhensiya, maaaring makipag-ugnayan sa mga istasyon at Sub-Stations ng Coast Guard Palawan sa pamamagitan ng kanilang official hotline numbers.

Narito ang mga sumusunod na numero ng bawat kinauukulan: Coast Guard Station Eastern Palawan, 0930-095-7283; Coast Guard Sub-Station Agutaya, 0981-564-9100; Concepcion, 0965-495-2854; Algeciras 0927-133-8421; Manamoc 0981-286-3639; Cagayancillo, 0907-816-3935.

Author