PHOTO//DEFENSE.GOV

Ni Vivian R. Bautista

NAIPARATING sa Estados Unidos ang naging pag-uugali ng bansang China na umano’y isang “coercive and risky operational behavior” sa South China Sea, batay sa pahayag ni US Defense Secretary Lloyd J. Austin III nitong ika-7 ng Hulyo, taong kasalukuyan.

“Secretary Austin noted with concern the PRC’s (People’s Republic of China) recent coercive and risky operational behavior directed against Philippine vessels operating safely and lawfully in the South China Sea, including around Second Thomas Shoal (Ayungin),” sinabi ng Pentagon sa isang readout.

“Highlighted the United States’ ‘ironclad alliance commitment with the Philippines and reiterated that the Mutual Defense Treaty extends to Philippine public vessels, aircraft, and armed forces-include those of its Coast Guard-in the Pacific, including anywhere in the South China Sea,” pagbibigay-diin ni Austin.

Matatandaang, una nang naiulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ukol sa ilang mga sasakyang pandagat ng Chinese Coast Guard ang sa kanilang “pangha-harass, at pangharang” sa mga barko ng PCG ng nagsasagawa ng operasyon kasama ang Armed Forces of the Philippines Western Command sa Ayungin nitong ika-30 ng Hulyo.

Sa pag-uusap nina US Defense Secretary Austin at Secretary of National Defense of Philippines Gilberto “Gibo” Teodoro, tinalakay ng dalawa ang depensa sa pagitan ng mga bansang Japan at Australia upang higit pang matiyak ang isang malaya at bukas na Indo-Pacific na rehiyon, ayon sa ulat ng Philippine News Agency (PNA).

Ayon naman sa Pentagon, ang parehong mga opisyal ay umaasa na mapabilis ang pagtapos sa isang Security Sector Assistance Roadmap, na magsusulong ng mga nakabahaging layunin sa modernization ng depensa sa susunod na limang taon, pati na rin ang isang Pangkalahatang Kasunduan sa Seguridad ng Impormasyon upang paganahin ang mga paglipat sa hinaharap ng advanced at interoperable na teknolohiya ng US.

“Their discussion reaffirmed the United States and the Philippines’ enduring commitment to standing shoulder-to-shoulder as allies to bring greater security, prosperity, and stability to the Indo-Pacific region and beyond,” saad ng Pentagon.
Sumang-ayon din ang dalawang kalihim na magkita ng personal upang magkaroon ng malalim na talakayan ukol sa mga prayoridad sa depensa at seguridad ng bansa.