PHOTO//DSWD FIELD OFFICE MIMAROPA

Ni Clea Faye G. Cahayag

BINUKSAN na sa publiko nitong ika-2 ng Hunyo ang isang Community Learning Center sa barangay Pulot Center, Sofronio Española, Palawan.

Ayon sa impormasyon mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office MIMAROPA, ito ay isang proyektong pangkomunidad na idinisenyo para sa mga mag-aaral, mga maliliit na online sellers, at iba pang sektor na walang kagamitang pangteknolohiya.

Photo//DSWD Field Office MIMAROPA

Ang naturang center ay mayroong mga laptop na makatutulong para sa pagpapalago ng kanilang kaalaman sa teknolohiya.

Naging posible naman ang proyektong ito sa pagtutulungan ng The Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI CIDSS) ng DSWD, Sofronio Espanola Local Government Unit (LGU), Pulot Center LGU at Community Volunteers at Municipal Engineering Office.

Ang Community Learning Center ay nagkakahalaga ng dalawang milyong piso (P2,000,000).