Ni Vivian R. Bautista
ISANG pagsasanay ang isinagawa sa bayan ng Balabac sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit (LGU) at pangunguna ni Municipal Mayor Shuaib J. Astami.
Ang Community Volunteers’ Training (CVT) ay matagumpay na inorganisa ng Department of Social Welfare Development (DSWD) Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan (KALAHI) – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (CIDSS) kung saan ay aktibong nakibahagi ang mga mamamayang kalahok sa isa komprehensibong pagsasanay gaya ng theoretical at hands-on na gawain na isinagawa simula ika-3 hanggang ika-8 ng ngayong buwan ng Hulyo.
Nilalayon ng CVT na bigyan ng mahahalagang kaalaman at praktikal na karanasan ang mga kalahok tungkol sa Community-Based Procurement.
Sa pamamagitan ng mga simulation at praktikal na pagsasanay, nagkaroon sila ng malalim na pang-unawa ukol sa proseso ng Community-Based Procurement pati narin ang kahalagahan nito sa pag-papaunlad ng Community-Driven Development, batay sa ulat ng DSWD Field Office MIMAROPA.
Sa panahon ng pagsasanay, ang Area at Municipal Coordinating Teams (A/MCT) ay estratehikong inilagay sa iba’t ibang lugar ng nabanggit na bayan upang matiyak ang epektibong saklaw nito.
Sa loob ng anim (6) na araw, ang naturang pagsasanay ay hinati sa tatlong cluster na sumasaklaw sa kabuuang labing-apat (14) na barangays.